Monday, October 20, 2008

Buwan ng Wika, idinaos





By Marjorie Joyce Q. Villarosa and Maricar S. Tarnate, 6- Generosita’

Ang Buwan ng Wika sa grade school ay ginanap noong Agosto 29, 2008 na may temang “Wika Mo, Wikang Flipino, Wika ng Mundo- Mahalaga.”
Marami ang nagpakitang gilas sa naturang programa mula sa iba’t ibang antas. Ang mga mag-aaral sa Preschool ay nanguna sa pagpapakita nang kanilang angking talento sa pagkanta at pagsayaw ng may katutubong tema. Sinundan naman ito nang pagpapamalas ng mga nanalong kalahok sa unang baitang sa kanilang Masining na Pagtula. Ang ikalawang-baitang ay nangharana sa lahat sa kanyang magiliw na pag-awit ng kantang “Si Filemon”. Sa ikatlong baitang naman ay nagpapakita nang kanilang Masining na Pagsayaw.
Nagkaroon nang paligsahan sa iba’t-ibang patimpalak gaya ng Masining na Pagsayaw nang ika-apat na baitang, Madulang Pagkukuwento nang ika-limang baitang, at Balagtasan sa ika-anim na baitang.
Noong natapos ang programa, nagkaroon din nang paligsahan sa pagandahan ng ayos ng hapag-kainan bago pa man ang masayang Salu-salong Pinoy.
Ang ikalawang bahagi ng buong araw na pagdiriwang ay ang Palarong-Pinoy. Ang mga mag-aaral ay hinati sa iba’t-ibang grupo. Ang mga nanalo ay ang sumusunod:

v Sack Race - Grupo ng Berde
v Tug of War - Grupo ng Kahel
v Guessing Game - Grupo ng Berde
v Hula-Hoop Game - Grupo ng Pula
v Bunong Braso - Lalake: Bon Angelo Rizabal, 6-Sobrieta’
Babae: Ma. Isabela Tan, 4-Prudenza’

No comments: