Thursday, October 16, 2008

Kalimutan mo na Ako


Ang nangyari noon ay iyong kalimutan
Wag ng alalahanin pa, burahin sa isipan
Isipan mo na lang hindi ako ang iyong nakilala,
Nabihag, Napatibok ang puso mong nagdurusa

Kundi siya na ngayon lamang nakilala
Mas pa sa aking katangian
Mas maganda, mas maaruga’t maaalahanin
At walang kahinaan

Ako ngayon ay lilisan na,
kakalimutan ang lahat ng alaala,
At siya ang iyong pagbuksan upang lalong makilala

Salamat sa pagiging panandaliang parte ng aking buhay
Sana sa mga oras na tayo’y nagkasama
Napasaya kitang tunay
Hanggang sa muli nating pagkikita
Kung meron pa talagang natatanging pag-asa-Cherry Brandy-

No comments: