Ni Jason L. Bandojo, IV-Matiyaga at Paula Cecilia Camille T. Rodriguez, II-Katarungan
Ipanagdiwang ng mga MDPSian ang Buwan ng Wika noong Agosto 29. Ang tema para sa taong ito ay “Wika mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo, mahalaga”.
Maraming paligsahan ang naganap. Sa panimula pa laman nasilayan natin ang mga magagara at makukulay na pambansang damit ng bawat isa.
Binuksan ang programa sa parada ng mga nag-gagandahan at gwapuhang mga lakan at lakambini ng bawat seksyon.
Dito rin nagtagisan ng galing sa pag-arte ang bawat taon sa kanilang inihandang dula-dulaan: “Ibong Adarna” sa Unang Taon, “Florante at Laura” sa Ikalawang Taon, “Noli Me Tangere” sa Ikatlong Taon, at “El Filibusterismo” sa Ika-apat na Taon.
Tulad sa nakaraang taon, nagkaroon din ng masayang salu-salo ang lahat ng taon sa hayskul. Ito ay sinabayan ng “Kundirana” na programa ng SBO. Ang I-Kasimplehan ang nagwagi sa kanilang napaka-gandang presentasyon ng sari-saring pagkaing pinoy.
Sumunod ang isa pang programa ng SBO, ang “Amazing Race”. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang kulay o grupo. Ito ay isang laro kung saan ang mga grupo ay nag-uunahang makarating sa huling istasyon at makahanap ng isang baul. Ngunit kailangan muna nilang malagpasan ang mga pagsubok sa bawat istasyon.
“Nauna kaming makarating sa huling istasyon. Nang makita naming paparating na ang Pangkat Kahel, kinabahan ako na baka maunahan nila kami. Sinabihan ko ang aking mga kagrupo na bilisan ang paghanap sa baul hanggang sa nahanap na ito ng isa sa aking kasamahan,” wika ni Mariel Nini, IV-Matiyaga, pinuno ng Pangkat Dilaw.
Isang malugod na pagbati sa mga nagwagi! Narito sila:
Lakan at Lakambini ng taon: Thaeceline Ursua at Justin Fokno (II-Katarungan)
Pinakamahusay na actor Yñigo De Guzman (bilang Basilio)
Pinakamahusay na actress Michelle Mascareñas (bilang Donya Consolacion)
Pinakamahusay na dula-dulaan Noli Me Tangere (Ikatlong Taon)
Gurong may pinakamagandang kasuotan Gng. Theresa Parayno
Amazing Race: Pangkat Dilaw

No comments:
Post a Comment