Thursday, October 16, 2008

Alaalang Binabalikan


Sa araw na ito tayo’y nagkita
Ano pa’t bakit hindi ako makalma

Alam ko naman ang noon ay wala ng tunay ,
Burado na sa puso, isipan at buhay

Pero bakit muli kang bumabalik sa aking alaala
Ito ba’y nangangahulugang may natatanging pagasa?

O! Ano itong makabuluhang pangyayari na hindi mawali sa isipan
Bakit ba ika’y alaalang binabalikan?
-Paula

No comments: