Thursday, October 16, 2008

Pagalaala sa Pagkakaibigan


Sa tuwing naaalala ang nakaraan
Walang pangyayaring aking nakakaligtaan
Lahat ay nasa aking mga alaala
Kailanman ay hindi iwawalang bahala

Ngunit kahit ako’y limot niyo na
Sa akin ay mananatili kayong hindi malilimutang, natatanging alaala
Dahil sa tuwing naaalala ang mga pangyayaring tayo’y nagkakasiyahan
Ako’y inyong napapangiti, sa oras ng kalungkutan

Ang mga alaalang iyon ay para lamang kahapon
Kailanman ay hindi ituturing noon
Nakakatatak na sa puso’t isipan
At sa isipan ko’y ilalaan

Ngunit ang lahat ng ito’y aking lamang pinapangarap
Kathang isip na muli sana’y matupad
Pero alam naman nating hanggang dito na lamang ito
Walaang majika na kayang magpabalik ng kahapon.

Araw-araw ako’y nasasabik
Magkikita pa kaya tayong muli
O Hangang sa aking isipan na lamang mananatili,
Ang muling pagkikita nating pinakamimithi
-Cherry Brandy-

No comments: